Chapter 42 REGINA'S POV "Alex?" tawag ko ng maabutan niya si Alexander na abala sa ginagawa sa kusina. Buong ingat at medyo mabagal na din ako kumilos at mag lakad dahil malaki na rin ang aking tyan. At nahihirapan na din akong gawin ang mga bagay-bagay dahil malaki na talaga si baby. Nang maka rating ako sa kusina doon ko nadatnan na naka talikod siya sa'akin at abala sa pag luluto. Ano pa bang bago doon? Siya naman ang chief dito sa bahay. Hindi ko pa din maiwasang isipin na kahit Bar ang negosyo, na pinapatakbo ni Alexander sa Maynila pero pag luluto naman ang hilig nito. Daig pa nito ang master chief kong mag plating at design sa mga pagkain. "Anong ginagawa mo?" Bakas na pag tataka sa aking tinig. Kanina pa siya talaga abala. "Umupo ka muna Regina," anito at sinunod ko naman s

