Chapter 33 ALEXANDER'S POV "Regina! Regina!" Malakas kong sigaw at bahagya kong tinampal ang kaniyang pisngi. "A-Alex, nandito kana." Mahina niyang sambit at tangka niyang hahawakan ang aking pisngi, pero inunahan ko na siya. Doon ko napansin na sobrang napaka lamig na ng kaniyang kamay. Ang kaniyang katawan bagsak na bagsak na rin. "A-Alex," nahihirapan niyang tWa sa aking pangalan. Hindi na maipinta ang labis na sakit na nadarama sa kaniyang mukha. "Ano bang nangyayari sa'yo ha? May masakit ba sa'yo ano?!" Malakas kong sigaw at marahan niyang tinuro ang parteng tyan niya para sabihin na doon ang masakit. f**k! Bakit masakit na naman ang tyan niya? Doon nabalot ang takot at pangamba sa aking puso, na baka maulit na naman ang pangyayari, na natagpuan ko siya no'on na putlang-putla a

