Marami akong nababasang pambabash sa akin. Marami akong nababasa na below the belt na talaga ang sinasabi. Halos lahat ay fandom ni Yaz na halos iedit pa ang mga muka ko, kahit ang mga picture ko kasama ang mga pinsan ko sa Ig ay kung ano ano nilalagay nila. Iniiyakan ko ang mga nababasa ko dahil kahit ang kapatid ko ay talagang ginugulo din ng press. Ang Mommy ko naman ay hindi makalabas ng bahay, maraming security sa labas ng bahay namin sa Metro Manila. Hindi hinahayaan ni Daddy na may makalusot. Wala pa rin kaming alam tungkol kay Charlie. Hindi ko alam kung nag salita na 'to o hindi. "Stop bashing her. She is innocent." Addisson's tweet. "She is very kind. A beautiful woman, a genuine one. We knew from the very start that Charlie is really in love with her." Adrianna tweeted, too