"C-Charlie!" mabilis ko s'yang tinutulak palayo sa katawan ko pero mahigpit talaga ang yakap nito sa akin. Ayaw ako pakawalan habang ang katawan ko ay nanginginig pa rin habang nasa bisig n'ya. Ang luha kong patuloy na tumutulo. "N-No! P-Please! L-Let me go!" nanginginig na sabi ko. Ang dibdib ko na puno nang takot habang nakayakap s'ya sa akin. Halatang wala s'yang pakielam kung nanginginig ako sa takot. Mahigpit lang ang yakap n'ya sa akin na halos ayaw n'ya na ako bitawan. Calm down, Diana, please? Hindi pwede. Hindi pwedeng ganito. "Honey, please?" malambot ang boses nito at hinalikan ang buhok ko. "L-Let m-me go." nanginginig na sabi ko at halos gusto na bumigay ng katawan ko. Ang nasa isip ko lang ay ayoko bumalik sa dati. Ang nasa isip ko lang ay makalayo sa kan'ya, kalimutan