Chapter 3

1213 Words
Chapter 3 “Bakit interesado ka sa mga bampira?” Huminga muna ako ng malalim bago sumagot. “Da—” “Fleur!” Napalingon ako sa tumawag. “Malapit na magsimula ang next class natin,” sabi ni Rina at lumapit sa amin kasunod si Bruno na nakatingin ng masama kay Iris. “Tara na,” pag-aaya ni Bruno. Binalik ko sa shelf ang hawak kong libro at tumingin kay Iris. Mukhang hinihintay niya ang isasagot ko. Lumingon ako kina Bruno at Rina. “Susunod na lang ako sa labas, guys, wait lang,” nakangiting sabi ko. Nanatili silang nakatingin sa akin. Pinalakihan ako ni Rina ng mata at sumenyas na sumabay na ako. “Tara na, Fleur,” mariing pag-ulit ni Bruno habang nakangiti ng pilit. Hihirit pa sana ako pero ‘di ko na ginawa dahil sa ekspresyon ng kanilang mukha. “Sige, Iris. Aalis na kami,” pagpapaalam ko. Gusto ko pa sanang makipag-usap kay Iris dahil maraming tanong ang pumapasok sa isip ko pero kailangan ko nang sumabay sa mga kaibigan ko. Tumango siya at ngumiti ng tipid. Nakangiti akong kumaway sa kanya bago lumapit sa mga kaibigan ko. Lumabas na kami ng library at dumiretso sa room. Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin ang klase. Wala akong naintindihan sa mga pinag-aralan buong maghapon dahil nasa isip ko pa rin ang nakita kong pagbabago ng kulay ng mga mata ni Iris. Mas lalo pang nagbigay ng interes sa akin ang sinabi niyang may alam siya tungkol sa mga bampira. “Fleur, hindi ka ba nawiwirduhan sa babaeng ‘yon?” tanong ni Rina habang naglalakad kami sa hallway. “Sinong babae?” walang kaide-ideyang tanong ko. “Si witch girl,” sabi ni Bruno. Tiningnan ko sila ng masama nang mapagtanto na si Iris pala ang tinutukoy nila. “Bakit ka ganyan makatingin? ‘Yon ang bansag sa kanya ng mga estudyante rito,” depensa ni Bruno na sinang-ayunan ni Rina. Napabuntong-hininga na lang ako at tumingin sa daan. Hindi ko maitatanggi na may punto sila, malaki ang posibilidad na isa ngang witch si Iris. Isama na rin sa pruweba ang pinakita niya sa akin kanina. Pero kung totoo nga ‘yon, mukhang hindi naman siya gagawa ng masama kaya walang dapat ikabahala sa kanya. “Oo nga pala, bakit nakikipag-usap ka pa rin sa kanya? ‘Di ba pinapaiwas ka na namin sa freak na ‘yon?” tanong ni Rina. “Guys, wala naman siyang ginagawang masama,” sagot ko. “So, hihintayin mo pa na may gawin siya sa ‘yo?” tanong ni Bruno sabay taas ng isang kilay. “Huwag naman kayong ganyan!” inis na sabi ko. Alam kong hindi nila gusto si Iris dahil sa mga naririnig na haka-haka tungkol dito. Pero hindi ibig sabihin na kaaayawan ko na rin siya dahil ayaw nila, lalo na kung wala naman siyang ginagawang hindi maganda. “Huwag na nga nating pag-usapan ‘yan, tulungan n’yo na lang ako sa science project ko para makasabay ako sa inyong grumaduate!” masiglang saad ni Rina at nauna nang maglakad papunta sa science lab. Pagpasok sa loob ay nakita ko agad si Rina na naghahanda ng mga gagamitin pero mukhang kung ano-ano na lang ang kinukuha niya. “Fleur, patulong kung ano ang kukunin ko. Ayaw na ayaw ko talaga ng science!” inis na sabi ni Rina habang naghahalungkat ng iba pang scientific instrument. “Narinig ko na yata ang linya mo na ‘yan sa lahat ng subject, Sis,” saad ni Bruno at bahagyang natawa. “Ano bang project ang gagawin?” tanong ko. Lumapit na rin ako para tumulong sa paghahanap ng scientific instrument na gagamitin. “Growing Crystal,” sagot niya. “Sige. Ihanda mo na lang ang materials sa table, ako na lang ang maghahanap sa iba pang gagamitin,” nakangiting sabi ko. “Yehey! Thank you, Fleur. Maaasahang kaibigan ka talaga!” masayang wika niya at pumunta na sa table. Nagsimula na akong kumuha ng mga gagamitin. Hinanap ko kung saan nakalagay ang thermometer. Kumuha rin ako ng tray para doon ilagay ang mga kailangan. Pumunta ako sa area ng mga babasagin para kumuha ng tatlong glass bowl. Nang makumpleto ko na ang mga kailangan ay huminto muna ako sa tabi ng lababo at nilapag ang mga gamit. “Rina, may tubig na ba riyan sa table?” tanong ko habang inaayos ang lagay ng mga ito sa tray. “Ay!” Nabitawan ko ang glass bowl sa sobrang gulat nang marinig ang malakas na sigaw ni Rina. “Sh*t!” daing ko nang tumalsik ang maliliit na bubog nito sa binti ko. Agad akong lumayo at tiningnan ito, may mga maliliit na sugat at daplis na bahagyang nagdugo. “Ay! Sunog! Ang laki na ng apoy!” Gulat akong napalingon sa direksyon ng mga kaibigan ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang malaking apoy sa ibabaw ng table. “Kumuha ka ng fire extinguisher, Bruno!” natatarantang sigaw ni Rina. “Guys, anong nangyari?!” Umakma akong tatakbo pero nadulas ako sa sahig at napaupo sa mga bubog. “Aray!” Halos mapaiyak ako sa sobrang sakit. Kung sasaniban nga naman ako ng katangahan, ngayon pa nangyari. “Fleur!” rinig kong sigaw nina Bruno at Rina. “Ah!” Napayuko ako at nagsuklob ng ulo nang makarinig ng malakas na pagsabog. Sinilip ko ng tingin ang direksyon nina Rina at Bruno. Mas nanlaki ang mga mata ko nang makita na kumakalat na ang apoy. “F*ck! B-bakit hinagis mo sa apoy ang extinguisher? B*bo!” sigaw ni Rina. “G-guys, tulong!” sigaw ko at pinilit na tumayo. Puno na ng usok ang buong science lab. Naninikip na ang dibdib ko at nauubo na sa lalong pagkapal nito. Agad kong binuksan ang gripo sa lababo na nasa tabi ko. “Sh*t, mahina pa ang tulo,” nanghihinang sabi ko. Hindi ko na kaya ang usok, anumang oras ay kakapusin na ako. Tinanggal ko ang pang-itaas na uniform ko at binasa para ipangtakip sa ‘king ilong. “Fleur!” “Lumabas na tayo! Lumalaki na ang apoy!” “Guys! Tulungan n’yo ako!” buong lakas na sigaw ko para marinig nila. Gustuhin ko mang umalis pero hindi ko magawa dahil may apoy na nakaharang sa harapan ko. Napasandal ako sa lababo at pilit humihinga ng maayos. “Lumabas na tayo!” “P-paano si Fleur? Fleur, nasaan ka na?” malakas na tawag ni Rina. “Guys, t-tulong,” nanghihinang sabi ko. Hindi ko na kayang sumigaw pa. “Kung ‘di tayo aalis, pare-pareho tayong masusunog! Aalis na ako!” “Sandali, Bruno!” Natigil ako nang marinig ang malakas na pagsarado ng pinto. Napadausdos ako paupo sa sahig at gulat na tumingin sa apoy na lalo pang lumalaki. Hindi ko namamalayan na may luha na palang pumatak mula sa mga mata ko. “I-iniwan ulit ako,” tulalang sabi ko. Kinakapos na ako ng hininga, bumibigat na ang mga talukap ko. Kahit anong oras ay babagsak na ako. Agad akong napadilat nang biglang nagbukas ang pinto Nanlaki ang mata ko kasabay nang pagpatak ng luha mula rito nang maaninag ang nagliliwanag niyang puting buhok. “I-ikaw . . .”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD