Alyssa saw the number Jask given to her at hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngayon. “I’m dreaming. Nanaginip lang ako. Hindi ito totoo.” Aniya sa sarili habang lumalapit sa dalawang puntod na magkatabi. Nanlamig ang buong katawan ni Alyssa at tila mabubuwal siya sa kanyang kinatatayuan habang lumalapit sa mga ito. “Mama, Papa…” Bulong ni Alyssa habang nakikita ang mga ito na tanging lapida na lamang. Napalunok si Alyssa nang lumuhod sa puntod nila. She touched tombstone while shaking. Mauritius Paderes Born: January 11, 1963 Died: June 24, 2018 Gertudes Paderes Born: August 22, 1965 Died: June 24, 2018 Napaluha ang babae. Isang taon lang ang pagitan nang pagkatakas niya at nang pagkamatay nila. “Mama, Papa, bakit hindi niyo ako inantay?” Tila ulang bumuhos ang mga luha ni A