Tila sinelyuhan ang mga paa ni Damien sa kinatatayuan at hindi siya makagalaw sa pag-aantay sa kanyang asawa sa made-up altar na gawa ng mga nag-asikaso ng kasal nila. Ipinangako niya sa asawa na magkakaroon ito ng kasal na nais nito. Alyssa wanted a simple garden wedding but Damien didn’t want a simple one. Magpapatalo ba siya sa mga kasal ng mga kapatid niya gayong pare-parehas naman silang may mga pera? “Kumalma ka nga dyan Ambrose, pati ako mapapaihi sa ginagawa mo,” asar na wika ni Leon na siya namang sinamaan ng tingin ni Damien. Sa lahat ng pwedeng makabunot sa magiging best man niya ay itong taong ito pa? Bilang pagpili sa magiging Maid of Honor at Best man ay nagpalabunutan sila at ang walanghiya inabunan ata nang swerte ng asawa niya at sila ang nabunot ni Alyssa. Ayaw ni