Ingat na ingat kong binuhat ang car seat, kung saan natutulog si Baby Aly. Gano'n din si Matilda na siyang may buhat kay Baby Andy. Si Aquihiro naman ang nagbaba ng mga dinalang gamit sa ospital. Sinalubong kami ng kasambahay na si Bechay. Kinuha nito sa akin ang buhat kong car seat na agad ko namang in-allow. "Ma'am, ang pogi ng anak mo." Puri ni Bechay. "Salamat, Bechay. Pakiingatan si Baby Aly. Iakyat mo muna sa silid." Nalingunan ko si Aqui na kinuha na kay Matilda ang car seat kung saan natutulog ang babaeng anak nito. "Umakyat muna tayo sa mga kwarto. May surprise ako sa inyong dalawa." Halata sa mukha ng lalaki na excited nga ito, kaya naman nagkatinginan pa kaming dalawa ni Matilda. "Jewelry ba iyan?" mukha talagang alahas ang kapatid ko. Iyon agad ang naisip n'ya, haba