"Ang manlolokong katulad ni Aquihiro ay malabo nang magbago." Naiiling na komento ko pagkatapos ikwento ni Atlas ang na witness nito sa isang private room. Nakababad kami ngayon sa bathtub nito, habang may hawak na glass wine. Ang tanging nagkukubli sa hubad naming katawan ay ang makapal na puting bula. "Sabi mo nagkaroon ng relasyon si Matilda at Aquihiro no'ng nagsasama pa kayong mag-asawa. Paano kung lumapit siya sa 'yo, sa pag-aakala na ring ikaw si Matilda?" "Magpanggap man akong si Matilda or hindi, kahit saan doon sa dalawa. Hindi ko pa rin siya papatulan. Never kong papatulan ang tulad n'ya. Minsan ko na siyang minahal, pero agad ding nawala iyon. Bukod sa 'yo, na unang dahilan kung bakit hindi na bumalik ang pag-ibig ko sa kanya. Pangalawa na ring dahilan ay manloloko siya at