C-104

2026 Words

"Tita Tabitha, bahay po ninyo ito?" tanong ni Andy sa akin nang bumaba kami ng sasakyan at humantad ang sarili kong mansion. "Yes, Andy. Dito ang house ni Tita Tabitha. For now, dito muna kayo." Hinawakan ko silang dalawa at iginiya papasok. Sinalubong kami ng mga kasambahay na humanay pagpasok ko, saka sila sabay-sabay na yumuko. Ang kambal na nagulat sa ginawa ng mga kasambahay ay yumuko rin. "Manang Sepanya, si Andy at Aly po. Mga bata, siya si Manang Sepanya. Kapag wala ako, siya muna ang bahala sa inyo. Naintindihan n'yo ba ako?" tanong ko sa kanila. "Opo." Sabay na tugon ng mga ito. Saka lumapit kay Manang Sepanya at nagmano. "Aba'y ang cute naman nila." Tuwang ani ng matanda. "Manang, parating na iyong in-request kong mga gamit ng mga bata. Kayo na po ang bahala, ha?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD