"Happy birthday, papa." Mahigpit akong yumakap sa aking ama. Pagbaba ko pa lang ng sasakyan ay nakita ko na itong naghihirap sa pintuan. Napansin ko agad ang mas pagpayat nito. Pero nakuha pa ring ngumiti sa akin, at yakapin din ako nang mahigpit. Nababahala na ako sa kalagayan nito. Parang hindi na simpleng sakit lang ang mayroon ito. "Thank you, anak. Mabuti ka pa ay umuwi para lang masamahan ako sa kaarawan kong ito." Mukhang hinahanap din nito si Matilda. Pero dahil nga pareho kaming buntis ng kapatid ko, hindi talaga kami pwedeng magsamang dalawa sa isang lugar. "Nakausap ko po siya kanina. Sabihin ko raw sa 'yo na happy birthday. Huwag ka nang malungkot, papa. Nag-e-enjoy ngayon sa cruise ship si Tilda. Hindi s'ya makakauwi rito." Mahinahong ani ko rito. Ngumiti pa ako rito.