Kanina pa kumakatok si Aquihiro sa pinto ng silid namin. Naririnig ko pa kanina kung paano bulyawan ni Aquihiro ang Mommy Helda n'ya. Sinisisi kung bakit ganito na ang sitwasyon. "Babe, let's talk. Magpapaliwanag ako sa 'yo, babe." Nakikiusap na ani ni Aquihiro sa labas ng pinto. No'ng nag-walkout ako ay naiwan sa sala ang tatlo. "Babe, please!" "Hayaan mo muna siyang mag-isip, anak." Dinig kong ani ni mommy. Ang sarap lang nang higa ko sa kama, marahang hinahaplos ang aking tiyan. "It's your fault, mom! Bakit ka ba kasi nakikialam sa relasyon ko?" "Anak, dahil hindi ko kayang manahimik na niloloko n'yo ang asawa mo. Bakit kailangan mong iparanas sa kanya ang bagay na iyan?" bakas sa tinig nito na nasasaktan din ito. "Mom, naipit lang ako sa sitwasyon. Hindi lang ako ang nagkali