“So, why are you there?” tanong ni Raiden habang seryoso ang mga mata na nakatingin sa akin. Napaiwas ako ng tingin sapagkat hindi ko matagalan ang mga mata niya na parang galit na naman. At saka, bakit ba ganoon ang mga tanungan niya? Natural lang naman siguro na nandoon ako para tumulong sa pakikipaglaban sa kanila. May mali ba sa ginawa ko? I think I just did the right thing. May pahawak-hawak pa siya ng kamay sa akin kanina tapos ngayon ay pagagalitan niya ako. Tsk. “Alam mo ba kung gaano kadelikado ang ginawa mo roon?” dugtong na wika pa niya. Maya-maya ay napahilot siya sa sentido na akala mo ay isa akong malaking konsumisyon sa buhay niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko dahil hindi ako maka-entrada. Ang totoo niyan ay kanina pa siya nagsasalita at nagbibigay n