“And now, let us know who won your first mission,” muling anunsyo ng headmistress doon sa gitna. Hindi maipagkakaila ang kasiyahan at excitement sa mga tinig ni Ms. Lucresia. Parang kumpara sa lahat ay mas masaya pa siya kaysa sa aming mga estudyante na siyang nakatapos ng misyon. Can she announce it already? Gusto nang lumabas. “Kilala ko na kung sino ang nanalo,” bulong ni Ellie sa akin. Kinikindat-kindatan oa niya ako na akala mo ay sigurado sa ano man ang kaniyang isasagot. Nandito kami sa bandang dulo. Mahirap makipagsiksikan doon sa unahan lalo na at lahat sila ay gustong nasa harapan. Ayos na rin iyon. Mas tahimik dito sa likod at malayo sa mata ng mga tao. “Magpapakain ako…” Napatingin ako kay Ellie dahil patuloy pa rin ito sa pagbulong sa akin. Binabawi ko na ang kakasabi