“Hi. Can I ask where is the gymnasium?” magalang na tanong ko sa isang estudyante na una kong nabungaran noong bumaba ako ng sasakyan. Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi ko na halos namalayan na dumating na ang araw na hindi ko alam kung pinakahihintay ko ba o hinihiling ko na lang na ‘wag dumating. Sa apat na araw na inilagi ko sa loob ng bahay ay halos mainip ako. Hindi naman ako lumalabas ng bahay dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta. If ever, I want to go to falls or spring. Alam ko sa mga probinsya ay maraming ganoon. Akala ko noong araw rin na iyon ay hindi na magtatanong si papa kung nasaan ang mga gamit ko, ngunit napansin niya rin yata noong kumakain kami. Kaya kinalabasan din ay si Luisa na rin ang namili ng mga gagamitin ko. We are just video chatting when she sh