“Shut up, b-tches! He is mine!” sigaw ni Nikka na umalingawngaw sa loob ng gym. Kahit walang gamit na mikropono ay para iyong kulog at nagawa nitong pahintuin ang pagbubulungan ng mga babae. Namumula ang kaniyang magandang mukha. Hindi na nagawang itago ang inis doon. “Stop fantasizing my boyfriend, b-tches! I’m going to strangle your neck if I heard you once again.” Sininghalan niya iyong babae na nasa likuran lang ng upuan nila. Isa rin kasi iyon sa sumisigaw. Sino ba namang hindi? I know everyone here has a crush on that guy. I admit that I am guilty. Hindi man ako isa sa mga sumigaw ay aminado naman akong mayroong maliit na paghanga para sa lalaki. Mayroong kung ano sa kaniya na hindi ko matukoy. “Enough with that, Nikka. Nakakahiya ka.” Sa katabi niya ay naroroon si Mariam na h