Chapter Thirty-Eight

2204 Words

“Kinakabahan ako sa mga ngisi mo, best friend.” Natanggal ang mga mata ko mula sa pagkakatingin sa harapan nang marinig ko ang boses ni Ellie sa aking tabi. “Huh? What? Bakit naman?” tanong ko agad sa kaniya. Hindi ko napansin na napapangisi na pala ako kanina. Sa tingin ko ay nakaisip lang ako ng magandang paraan. “Wala naman. Ako ang kinakabahan sa ‘yo e. ‘Wag ka kasing ngumingisi nang walang dahilan diyan.” Pinitik niya ako sa noo. Mahinang napadaing na lang ako habang hinihimas ang noo na pinanggigilan na naman niya. “Masyado kang maisip.” Panggagaya ko sa laging sinasabi niya sa akin. “May naisip lang ako. ‘Wag ka mag-alala.” Dinugtungan ko iyon ng tawa para hindi kung anu-ano ang iniisip niya ro’n. “Akala ko kasi kung ano na ‘yang pumapasok sa utak mo. Hindi ko tuloy alam k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD