Kinuha ni Raiden ang kamay ko at masuyong hinawakan iyon. “Come on, baby. Let’s go,” saad niya at nag-umpisang igiya ako patungo sa hagdan. Nakaangat sa lupa ang bahay na gawa sa bubog. Mayroong halos anim na baitang bago marating ang pintuan papasok sa loob. I am gaping in awe. I still can’t believe that beyond La Deita, there is a serene place like this. Ngayon ay nagsisisi na ako kung bakit hindi ako naglibot agad. Sana ay nakita ko ito noong bago pa lang ako rito. This place is for the books. Sobrang ganda. To be honest, this is one of my dream houses. Tapos gusto ko rin ng bahay na malapit sa beach para payapa o kaya naman ay iyong nasa itaas ng bundok. Okay, ang dami ko na parang gusto! “Sa ‘yo ba talaga ‘to, Raiden?” naninigurong tanong ko sa kaniya. Nakatapa