“Señorita…” I heard a soft voice and continuous knock coming outside of my door. Naglakad ako papunta sa pinto habang marahang pinupunasan ang aking buhok. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Luisa na akmang kakatok muli ngunit agad ding ibinaba ang kamay nang makita ako. “S-señorita!” Nabibiglang tawag niya sa akin at bahagyang umatras. May kiming ngiti sa kaniyang mga labi. “Ano ‘yon, Luisa?” Ngumiti ako sa kaniya para mabawasan ang pagkapahiya at kabang nararamdaman nito. Isinabit ko sa aking braso ang tuwalya at inayos ang pagkakatali ng aking roba habang hinihintay ang sasabihin niya. “Pinasasabi po ng iyong ama na nakaalis na ang inyong bisita,” saad niya sa akin. I just finished taking a bath. Hindi ko na nagawang lumabas pa kanina