There is nothing I would not do for those people whom I love. Hindi lahat ay nabibigyan ng pagkakataon na makakilala ng mga pambihirang tao na magiging parte ng buhay mo. I am not after the number of friends but I am more to their character. Ayos na nga sa akin ang isa hanggang dalawang tao na maituturing kong kaibigan. I am just blessed that everything I have wished for a long time, was eventually granted to me. Ngayon na ibinigay sa akin ay hindi ko na hahayaang mawala pa ito. “Hey…” I tapped Ellie’s shoulder. Hanggang ngayon kasi ay nakayakap pa rin siya sa akin. “I think it is time for us to get outside. Baka parating na sina Raiden,” ani ko sa kaniya sa mahinang boses. Hindi agad siya humiwalay mula sa pagkakayakap sa akin. Isang mahaba at malalim na buntong-hin