“Bakit naman sobrang gulo rito?” tanong muli ni Leinard habang humahangos na lumapit sa amin. Malalaki ang mga hakbang na naglakad siya patungo sa amin. Kinailangan pa niyang lumusot doon sa tali na nakaharang para makarating sa aking pwesto. Napansin ko pa ang hawak niyang energy drink na nasa kaliwang kamay. “What is happening here?” he asked once again. Sa tingin ko nga ay apat na beses na niya iyong itinanong sa amin pero kahit isang beses ay hindi pa kami nakakasagot. Hindi pa rin ako nakakapagsalita para batiin siya dahil nagulat ako sa biglaang pagpunta niya rito. Though, I already expected that he will come but maybe what I expected is far from this. Ang ibig kong sabihin ay dadalaw naman talaga siya sa mga booth namin dahil siya pa rin ang lider naming laha