CHARLIE “Charlie, napaka-OA naman. Kailangan talagang lahat ng damit dyan sa closet mo, ilabas mo? Aba pati yung mga damit ko nagkalat ah. Ano bang problema mo? Ipapakilala ka na naman ba ni Kitty sa ibang kamag-anak n’ya kaya ka ganyan? O baka naman—oh, may date kayo no! Yung parang sa Guimaras lang, yung kayong dalawa lang talaga. At first time yon dito sa Manila. Kaya ka nagkakaganyan no? Tama ako diba? Tama ako?” naiiling na chineck ko na lang yung mga damit na inilabas ko. Bakit kasi kailangang maunang umuwi ‘to si Jops dito sa Manila kesa dun sa mga kasama n’ya? Hindi ba pwedeng nagstay na lang muna s’ya don? Eh di sana walang nangungulit sa akin ng ganito. Eto nga’t nasstress na ako kung ano yung isusuot ko para mamaya eh. Buti nga, pinamove ni Kitty ng hapon na lang yung date na