CHARLIE “Jusko, nakakapagod yung araw na ‘to. Gusto kong maligo na lang, tapos matulog. Puro lakad, tapos ang init pa. Haggardo Versoza na talaga ako, jusme.” sabay ibinagsak ni Klarisse yung katawan n’ya sa sofa. Sabay-sabay naman kaming tumingin sa kanya at kumunot yung noo. “Pinagsasasabi mo dyan, Klang? Eh hello, hindi ka naman naglakad. Yung sa Garin nga, nag-golf cart ka pa. Tapos nung papunta tayo sa mga simbahan, halos nasa sasakyan ka lang. Bumaba ka lang saglit para kausapin si Charlie, tapos, niyaya mo na agad si JT sa loob ng sasakyan kasi sabi mo, ang init at baka umitim ka.” naiiling na sabi sa kanya ni Maybelle. “Akala mo naman sobrang puti n’ya.” bulong pa nito na feeling ko, hindi n’ya alam na narinig naming lahat. “Eh di ikaw na yung maputi. Kala mo naman hindi nag-g