CHARLIE “Pasensya na sa Mama and Lola ko ha. Masyado lang silang fanatic talaga ni Justine at ni Maybelle. Sasabihin ko nga sana yun sa inyo para mawarningan yung dalawa, pero sabi ni Mama wag na daw dahil baka matakot sila at hindi na sumama dito sa dinner. Eh sobrang excited pa mandin nilang dalawa. Tingnan mo nga o, hanggang ngayon, wala silang ginawa kundi magpapicture nang magpapicture dun sa mga kaibigan mong artista.” napangiti naman ako habang nakatingin sa Nanay at Lola n’ya na masayang masaya habang nakikipagkulitan sa mga kasama ko. Ewan, pero cute na cute ako sa kanila, lalo na dun sa Lola n’ya na hyper na hyper. Nag-f*******: live pa nga kanina. At tuwang-tuwa dahil inggit na inggit daw sa kanya yung ibang kasamahan n’ya sa Maybellenatics at magready na daw si Maybelle dahil