CHARLIE "May tatlong oras pa tayo guys, bago dumating sila Klarisse. And tapos na rin naman natin 'to, so tara, gala muna tayo. Tatawagan naman daw ako ni JT if ever. At isa, sumasakit na yung tenga ko kay Maybelle. Kaya para manahimik na s'ya, pagbigyan na lang natin." narinig namin na sabi ni Jopay nang makita n'ya na natapos na namin lahat ng kailangan gawin dito. Napangiti naman ako. At least, makakapagmuni-muni ako kahit saglit lang. Kung pwede nga lang din sana na hindi na lang ako bumalik muna hangga't hindi tapos yung birthday celebration ni Klarisse, malamang ginawa ko na. Hindi naman sa dahil bitter ako kung ano pa man, ayoko lang makisali sa moment nila ng asawa n'ya. Malamang sa malamang kasi, sa pagiging taklesa ni Klarisse, baka mabanggit n'ya yung mga ginawa ko para sa ka