CHARLIE “Aminin mo nga sa akin yung totoo, Papa. Anak mo din siguro yang si Charliza no? Siguro, ineme mo din si Ms. Minchin ng hindi namin alam no? Umamin ka, umamin ka! Nako, ilang hakbang lang yung pagitan ng bahay natin sa kanila, so malamang, makakaya mong gumawa ng milagro non.” bigla ko namang naibuga yung tubig na iniinom ko na kakaabot pa lang sa akin ni Anika nung nagkamalay ako after ko himatayin sa harap ng Tatay ni Kitty. Jusko, ano na namang kabaliwan yung pumasok sa isip ni Klarisse at itinanong n’ya yon kay Tito Luis. Buti na lang at nasa kwarto ngayon si Tita Nikka at nagpapahinga kaya hindi n’ya narinig yung tanong na yon. At mukhang kahit si Tito Luis, hindi makapaniwala na tinanong ‘yon ng magaling n’yang anak. Oo, masaya kaming lahat na napatawad ni Klarisse yung ta