CHARLIE "Ano na Charlie? Anong oras na? Bakit kanina pa dyan sa loob ng banyo? Wag mong sabihin na sumusuka ka na naman? Aba pang ilang beses na yan mula pa kaninang alas tres ah. Ala-singko na oy, gusto mo bang ma-late ka sa date n'yong dalawa ni Kitty? Nakakahiya naman dun sa tao kung paghihintayin mo s'ya diba? At isa pa, kanina pa nandito sila Sofia para ayusan ka. Baka naman kahit sa kanila, gusto mong mahiya." napamulat naman ako nang marinig ko yung boses na 'yon ng kapatid ko. Naghilamos din muna ako at toothbrush bago tuluyang lumabas. Grabe, pang ilan ko na nga ba yon ngayon hapon? Akala ko chill lang ako dun sa date? Kumusta naman na habang papalapit nang papalapit yung oras, palakas nang palakas yung kaba ko. Nakakaloka. And to think, hindi naman 'to yung unang beses na nakip