CHARLIE Minsan naisip ko, parang ang sarap na sa ganitong lugar tumira. Yung bang sa umaga, mga tilaok ng manok yung gigising sa’yo. Tapos paglabas mo sa bahay, sariwang hangin yung sasalubong sa’yo, at kahit umupo ka lang sa isang tabi para magmuni-muni, hindi ka maiinitan dahil maraming puno ang nakapalibot sa’yo. Yun bang makakapag-isip ka talaga ng mabuti dahil wala kang aalalahanin na ingay at polusyon dahil sa libo-libong sasakyan. Kung ako yung papapiliin, mas gugustuhin ko na dito na lang tumira. Well, hindi dahil kay Kitty ha, uhm, pero sige na nga, aaminin ko na, kasama s’ya sa dahilan kung bakit mas gugustuhin ko dito. Parang ang hirap lang kasing isipin na bukas, uuwi na kami sa Manila. Hindi ko na ulit s’ya makakasama. Alam mo yung feeling na nasanay ka na, na araw-araw, ma