CHARLIE “Lakas ng loob mangharana ah. Sa harap pa ng mga pamilya ko at naka-live pa ha.” hiyang-hiyang napayuko naman ako dahil sa komentong yon ni Kitty. Alam ko naman na biro lang yon dahil nakangiti s’ya, pero nakakahiya pa rin. Hindi ko rin alam kung ano ba yung pumasok sa isip ko at ginawa ko ‘yon. Masyado na yata akong nahahawa sa kakornihan ng mga tao sa paligid ko. Pagkababa ko kasi sa stage, nilapitan ko s’ya agad. At kahit kung anu-anong pambubwisit yung ginagawa nila Klarisse dahil nasa may likod lang sila ni Kitty, dinededma ko lang sila dahil gusto kong magfocus sa babaeng kaharap ko ngayon. “G-gusto ko lang kasi talagang magsorry sa nangyari kanina. A-alam kong hindi tama yung ginawa ko. Hindi ko alam kung ano yung pumasok sa isip ko at nasabi ko ‘yon.” sige Charlie, mag