Chapter 3

2685 Words
CHARLIE "Ang aga-aga nating pumunta dito sa location, tapos malalaman ko na hindi pa makapagstart dahil hindi pa dumadating si Kevin! Ang nandito lang, yung PA n'ya, at sabi non, kasama daw n'ya yung boss n'ya papunta dito, pero wala pa o! Malamang, pinagtatakpan na naman n'ya yung isa. Nako, bakit kase isinali pa ni Direk yun dito sa serye eh. Tsk!" eto na naman yung bunganga ng kapatid ko. Reklamo s'ya nang reklamo sa kakarant ni Klarisse eh halos pareho lang naman sila. Pero tama naman s'ya, ang aga-aga ng call time, tapos ganito yung mangyayari. Naiintindihan ko kung bakit G na G 'tong Jops. Bukod sa di sila nakapag-usap ng matagal sa phone nung girlfriend n'ya dahil pinatulog ko s'ya ng maaga, di rin sila nagkausap kanina dahil tulog pa yung isa nung paalis kami. At alam n'yang ayaw na ayaw ni Charity na ginigising s'ya ng maaga kung wala naman s'yang taping o shooting. Natatawang inabutan ko na lang s'ya ng chuckie at cookies. Eto kasi yung comfort food n'ya. Kaya nga lagi kaming may dala dahil ang bilis mainis nitong isang 'to. At tulad nang laging nangyayari, tumatahimik na lang s'ya kapag kumakain s'ya non at medyo nawawala yung kunot sa noo n'ya. See? Yun lang talaga yung kailangan para manahimik s'ya. "After mong kumain, magpahinga ka na lang muna or tawagan mo si Charity kung gising na s'ya. Tatawagin na lang kita kapag nandyan na si Kevin. Dun muna ako sa labas para makapagpahinga ka ng maayos. Maglalakad-lakad lang ako." paalam ko sa kanya kahit alam kong hindi naman n'ya papansinin 'yon dahil busy s'ya sa pagkain at sa phone n'ya. Napangiti ako habang naglalakad-lakad dito sa park. Ilang taon na rin pala akong hindi nakakaikot dito. Ang dami ko din memories sa park na 'to. Masasaya, nakakakilig, nakakalungkot, at nakakasakit sa puso. Pero minsan, kahit gaano kasakit yung mga ala-ala na 'yon, may panahon pa rin na hindi mo pwedeng hindi alalahanin eh. Hindi rin kasi maiiwasan talaga. At kahit gaano man kasakit 'yon, hinding-hindi ko 'yon pagsisisihan. Natuto ako dahil don eh. Naging strong ako. Ipiniling ko na lang yung ulo ko para hindi muna maalala yon. Masyado pang maaga para magdrama ako dito. Pabalik na sana ako nang may mapansin akong lalaking nakahalumbaba sa may isang parte nitong park. At mukhang kakagaling din sa iyak dahil namumula yung bandang sa mata at ilong n'ya. Napailing ako nang makilala kung sino yung taong 'yon. Nagdalawang isip pa ako kung lalapitan ko ba o hindi, dahil baka bigla n'ya akong sapakin kapag pinakialaman ko s'ya, pero mas nanaig pa rin yung kagustuhan kong maging okay s'ya para masimulan na yung mga kukuhanang eksena nila ni Jops. Tahimik na umupo ako sa tabi n'ya. Mukhang naramdaman naman n'ya yung presensya ko dahil lumingon s'ya sa akin at bumuntong-hininga. "Anong ginagawa mo dito? At papa'no mo nalaman na nandito ako? Iniistalk mo ba ako?" hindi ko alam kung mapapangiti ako o mapapailing sa tanong n'ya. Para kasing pamilyar. Parang lagi ko nang naririnig noon pa man. Ewan ko ba kung bakit ang dami talagang taong mahilig mag-assume. Minsan kailangan din bawasan 'yon. Kaya tayo nasasaktan eh, dahil sa pag-aassume na 'yan. "Sa unang tanong, naglalakad-lakad kasi ako at bigla kitang nakita kaya nilapitan kita. Sa pangalawa, hindi ko alam na nandito ka. Gusto ko lang magmuni-muni dito. At pangatlo, hindi kita type kaya hinding-hindi kita iistalk, okay? So pwedeng ako naman magtanong? Bakit ka nandito? Diba may taping kayo nila Jops? At bakit ka nagmumukmok dito, may problema ba?" naiiling na ibinalik na lang n'ya yung tingin n'ya sa mga batang naglalaro sa harap namin. "Sa unang tanong, kahit naman sabihin kong hindi ka pwedeng magtanong, magtatanong ka pa rin diba? Sa pangalawa, dahil gusto kong mag-isip isip at magmuni-muni. Sa pangatlo, alam ko. Kaya nga ako nandito diba? Kung wala kaming taping, malamang, sa isang bar mo ako makikita. At panghuli, bakit ko naman sasabihin sa'yo kung may problema ako? Hindi mo rin naman maiintindihan kung ano yung pinagdadaanan ko dahil babae ka." malungkot na sabi pa n'ya habang nakahalumbaba. Ano ba naman 'tong lalaking 'to, nakikimoment na nga, gaya-gaya pa sa pagsagot, pwe! "Masyado mo namang minaliit yung pagiging babae ko 'don. Papa'no ka naman nakakasigurado na hindi kita maiintindihan dahil lang babae ako? Bakit hindi mo subukan na sabihin sa akin kung ano yung problema mo." Narinig kong nagbuntong-hininga muna s'ya bago sumagot sa akin. "Nabasted ka na ba? Nasabihan ka na ba ng taong mahal na mahal mo na tigilan mo na yung panliligaw dahil hanggang kaibigan lang yung pwede n'yang ibigay sa'yo?" mas lalo naman akong napangiti dahil sa sinabi n'ya. Mukhang hindi talaga pwedeng hindi ko alalalahanin yung nangyari noon ah. Yung ala-ala na pilit ko nang kinalimutan. FLASHBACK "Yung kapatid mo, shunga-shunga na naman. Hindi ba s'ya nakakahalata na pinaglalaruan lang s'ya nung lalaking 'yon? Sabihan mo lang ako, sasapakin ko yang si Tonyo para umamin sa kapatid mo sa kagaguhan n'ya. Pang ilan na ba yan? Di ba nagsasawa yung kapatid mo na masaktan? Baka s'ya yung kailangan kong sapakin para matauhan?" napatingin din ako sa tinitingnan ni Klang habang sinasabi n'ya 'yon. Nandito kami ngayon sa paborito naming park para pagtawanan yung mga magjowa na naglalampungan. Napabuga ako ng hangin nang makita yung kapatid kong nakikipaglampungan na naman lalaki. Ano ba naman yan? Hindi na talaga natuto yung isang 'to. "Ano ba yan, Charlie, ano yung huling kinain mo? Bakit ganon yung amoy nung ibinuga mo?" agad ko namang binatukan yung katabi ko dahil sa sinabi n'ya. Siraulong 'to talaga. Parang mas okay nung suplada s'ya eh. Papa'no kase, nung naging close kami, saka ko nakilala kung gaano kasiraulo 'tong babaeng 'to. At hindi lang yon, buraot pa. Aba naman, hindi na nagdadala ng pera kapag kakain kami sa caf, sinasabi lagi na naiwan yung wallet n'ya at babayaran na lang daw n'ya ako kapag nakauwi na s'ya. Araw-araw n'yang sinasabi sa akin yon, at araw-araw din akong umaasa na mababayaran n'ya yung mga utang n'ya, pero waley. Mabuti na lang talaga at masarap magluto si Tita Clara at laging may dalang ice cream si Tito Luis kaya parang yun na yung bayad ng anak nila sa akin. Lagi din kasi nila akong doon pinapakain ng hapunan. Minsan nga naiinggit ako sa pamilya nila kase parang ang saya lagi. Si Klang, kaya n'yang biruin yung Mama at Papa n'ya. Kami kasi ni Jops, hindi pwedeng gawin 'yon kay Mama. Lagi kasi s'yang seryoso at aburido. So yun nga, mabalik tayo sa katabi ko na tawa pa rin nang tawa sa kalokohan n'ya hanggang ngayon. "Hoy! Excuse me, mabango kaya hininga ko no! Kahit amuyin mo pa maghapon, fresh yan no!" depensa ko sa kanya. "Ew. No, thank you." sabi pa n'ya na parang diring-diri pa. Ang arte ha! "Balik na tayo kay Jops. Alam mo, kahit alam n'ya na niloloko lang s'ya ng lalaki, paulit-ulit pa rin s'yang nagmamahal kasi masaya s'ya na may nagpaparamdam sa kanya ng pagmamahal, kahit karamihan sa mga yon, huwad na pagmamahal lang. Alam mo kasi, minsan, sa isang tao, okay lang na masaktan ka, basta ang importante, nagmahal ka at naging masaya ka." pagbabalik ko sa unang topic namin para tigilan na n'ya yung kalokohan n'ya. "Mas ew. Kung alam mo naman pala na masasaktan ka lang, bakit ka pa magmamahal diba? Hello, katangahan kaya yung ganon. Bakit hindi ka pumili ng tao na hindi ka sasaktan diba?" sabi naman n'ya kaya napailing ako. "Hindi ka pa kasi nagmamahal kaya hindi mo pa nararanasan yung ganon eh. Basta, yung kahit alam mong sa huli, pwede kang masaktan, hindi mo yon papansinin dahil mas importante sa'yo yung kaligayahan na naibibigay n'ya sa'yo, ganon. Yung kahit alam mo na pwedeng hindi kayo pareho ng nararamdaman, ipaparamdam mo pa rin sa kanya yung pagmamahal mo. Basta ang importante sa'yo, masaya s'ya. At magiging masaya ka na rin pag ganon." depensa ko ulit. "Wow, kung makapagsalita ka ah. Baka nakakalimutan mo na NBSB ka rin, Charlize! Hindi ko nga alam sa'yo eh, maganda ka naman kesa sa kapatid mo, pero s'ya yung mas marami ng naging boyfriends." ewan, pero muntik na akong hindi makahinga nung sinabi n'yang maganda ako pero pinilit ko pa ring magpakakaswal para hindi n'ya mapansin yung naging reaksyon ko. "Hindi naman porke hindi pa ako nagkakaboyfriend, eh hindi na ako nagmamahal no!" sabi ko pa sa kanya habang nakatingin pa rin kay Pining at kay Tonyo. Ewan, hindi ko kasi kayang tumingin ng derecho sa katabi ko. "Ah talaga, so, may mahal ka na?" hindi ko alam pero pagkarinig ko ng tanong na 'yon, wala sa sariling napatingin ako sa kanya at naglakas ng loob na salubungin yung mga tingin n'ya. "Oo." Ikaw. Gusto ko sanang idugtong. Pero natatakot akong sabihin sa kanya yung totoo. Na habang nakikilala ko s'ya, mas lalong nadadagdagan yung nararamdaman ko para sa kanya. Akala ko nung una, simpleng paghanga lang yung nararamdaman ko, pero habang tumatagal kasi, mas nagiging possessive ako sa kanya, kapag may nakikita akong kinakausap s'ya, mapalalaki o babae, nasasaktan ako, nagseselos, gusto ko ako lang. Nagresearch pa ako tungkol sa nararamdaman ko, dahil baka selos best friend lang 'to, pero hindi eh. At masyado na yatang matagal yung pitong buwan para sabihin na crush lang talaga 'tong nararamdaman ko para kay Klarisse. Pero ang hirap kasing umamin. Ang hirap dahil alam kong hindi naman ganon yung nararamdaman n'ya para sa akin. Lahat kasi nang pinapakita at ginagawa n'ya sa akin, ramdam ko na walang malisya. Parang pang kapatid o kaibigan lang talaga. Minsan, ako na lang yung nagbibigay ng malisya para makaramdam ng kilig. Pero ang hirap pala talaga na ikaw lang yung nagmamahal. Yung ikaw lang yung nakakaramdam ng mga ganong bagay para sa kanya. "Huy Charlie! Ano na? Natulala ka na sa kagandahan ko?" natatawang sabi ni Klarisse, pero may kung anong nabasa ako sa mga mata n'ya. Hindi ko alam pero natakot ako kaya bigla kong iniiwas yung tingin ko sa kanya. Parang alam ko yung ibig sabihin ng mga tingin na 'yon. Alam ko kung gaano katalino si Klarisse, kung gaano s'ya kabilis pumick-up. Sana, naging kasing slow na lang s'ya ni Maybelle para hindi ako namomroblema sa ganitong bagay. Dapat, hindi na lang napunta yung topic namin sa ganito. Papa'no kung bigla na lang n'ya akong iwasan ngayon na alam na n'ya kung ano yung nararamdaman ko para sa kanya. At mukhang wala na ring point na itago ko kung ano yung nararamdaman ko kaya naglakas ako ng loob na magtanong. "Klang, what if may kaibigan ka na sobrang close sa'yo, tapos sinabi n'ya na mahal ka n'ya, bibigyan mo ba s'ya ng pagkakataon?" hindi ko alam kung saan nanggaling yung boses ko, dahil sobrang kabado ako. Mga ilang minuto muna s'yang tumahimik, bago sumagot kaya mas lalo tuloy akong kinabahan. May idea na naman ako kung ano yung isasagot n'ya, pero gusto ko pa ring marinig. "Hmm. Kung kaibigan ko s'ya, hanggang kaibigan lang talaga. May rules kasi ako, C, alam mo naman 'yon diba? Number one yan. Never fall in love with a friend. Mahirap kase. Alam mo yon, ang dami n'yo nang pinagsamahan bilang magkaibigan, tapos biglang mawawala lang dahil nainlove yung isa sa inyo. Syempre, kung hindi kayo pareho ng nararamdaman, may masasaktan at iiwas. At yun yung ayokong mangyari." napakuyom ako ng palad nang marinig ko yung sagot n'ya. Sabi ko na. "Papa'no kung pareho kayo ng nararamdaman?" sinusubukan ko pa rin na baguhin yung desisyon n'ya. "Papa'no kung hindi? Tapos pipilitin lang nung isa na tumbasan yung nararamdaman nung isa para hindi masaktan yung kaibigan n'ya? Kahit ang totoo, hanggang don lang talaga yung kaya n'yang ibigay? Hindi ba mas masasaktan kayo pareho? Mas gugustuhin mo ba yon kesa yung alam mo na talaga kung ano yung patutunguhan?" ramdam ko yung lungkot sa boses n'ya. Alam kong pinipilit n'yang ipaintindi sa akin na mas maganda na maging magkaibigan na lang kami. "Papa'no kung ako pala yon?" mahinang tanong ko. Naramdaman kong hinawakan n'ya yung ibabaw ng kamao ko. "Mas lalong pipiliin ko yung pagkakaibigan natin, Charlie. Alam ko kung bakit? Bukod kay Mama, Papa, at Maybelle, ikaw yung pinakapinagkakatiwalaan ko sa lahat. Mahal na mahal kita, alam mo yon? Kasi, lagi kang nandyan para sa akin. Kasi lahat ginagawa mo para maging masaya ako. Kasi hindi mo ako sinukuan nung mga oras na naglagay ako ng pader sa pagitan ko at ng ibang tao. At hindi ko kayang itapon yon para sa pagmamahal na gusto mo. Hindi ko kayang umiwas ka at lumayo dahil lang hindi ko kayang tumbasan yung pagmamahal mo. Mas pipiliin kong maging kaibigan ka habang buhay, kesa subukan at pilitin na mahalin ka tulad ng pagmamahal mo, pero sa huli, masasaktan lang tayo at magkakalayo. Masyado kang importante sa akin at ayokong mawala ka sa buhay ko." seryosong sabi pa n'ya kaya alam kong wala na lang akong magagawa kundi tanggapin kung ano yung desisyon n'ya. Pigil na pigil ko yung pag-iyak dahil ayokong magpakita ng kahinaan sa kanya. Ayokong makonsensya s'ya at biglang baguhin yung desisyon n'ya dahil nakita n'ya lang akong umiiyak. Gusto ko, kung babaguhin n'ya yon, eh dahil gusto n'ya. Dahil mahal n'ya rin ako na hindi lang bilang best friend n'ya. "Pero alam ko naman na hindi mangyayari 'yon, Charlie, sa ganda mong yan? Maiinlove sa akin? At hello, pareho tayong babae no! Masyado kang maganda para majomboy lang sa akin, char! Hahaha. Ikaw talaga, kung saan-saan napupunta yung imagination mo. Tara na nga at baka hinihintay na tayo nila Mama at Papa. Unahan tayong makarating sa bahay, kung sinong mahuli, s'ya yung maghuhugas ng pinagkainan!" pagkaraan ng ilang sandali ay sabi n'ya bago tumakbo papalayo sa akin. Nang tuluyan na s'yang nakalayo, dun ko lang inilabas yung mga luhang kanina ko pa pinipigilan. Alam kong ginawa n'ya yon para makaiyak ako. Alam kong lumayo s'ya sa akin para mailabas ko yung sakit na nararamdaman ko. Alam kong alam n'ya na kailangan ko 'to para sa mga susunod na araw, wala kaming ilangan. Masakit, pero kailangan kong tanggapin. Hindi naging kami, pero kailangan kong magmove on. Minsan, mahirap talagang magmahal, pero hindi naman natin napipili kung sino yung ititibok ng puso natin diba? END OF FLASHBACK "Hindi naman porke sinabi n'ya na hindi n'ya kayang tumabasan yung pagmamahal mo, eh hindi ka na n'ya mahal. Minsan, mas maganda na ring piliin yung pagkakaibigan dahil don, walang break-break. Baka ayaw n'ya lang sayangin lahat ng pinagsamahan n'yo bilang magkaibigan kung pipilitin n'yang mahalin ka ng tulad ng pagmamahal mo. Siguro, masyado kang importante sa kanya at ayaw ka n'yang mawala sa buhay n'ya kung sakali mang magkakaroon ng problema kung magkakaroon kayo ng relasyon." napatingin sa akin si Kevin nang marinig n'ya yung sinabi ko. "Tingin mo ganon nga?" Tumango naman ako. "Kaya tigilan mo yung pagmumukmok dyan. Masyado kang gwapo para umarte ng ganyan. Makakamove on ka din. Ang daming babaeng nagkakandarapa d'yan para sa'yo o! Kaya kung ako sa'yo, irerespeto ko na lang yung naging desisyon n'ya. Dahil baka pagdating ng araw, maisip mo na lang na tama naman s'ya. Na at least, kahit hindi naging kayo, mas naparamdam n'yo yung pagmamahal sa isa't-isa bilang magkaibigan lang. Baka kasi hanggang doon lang talaga yung pwede diba?" "Ganun lang ba kadaling kalimutan yung nararamdaman ko para sa kanya?" "Kung gugustuhin mo. Or mas gugustuhin mo bang ipilit yang nararamdaman mo, pero bandang huli, mawawala din s'ya sa'yo? O pipiliin mong patayin yung nararamdaman mo sa kanya at ibaling yan sa iba, pero magiging kaibigan ka n'ya habang buhay at hindi s'ya tuluyang mawawala sa'yo." "Sa reaksyon mo kanina, mukhang napagdaanan mo na yung napagdaan ko. Ikaw ba, anong pinili mo?" Ngumiti lang ako sa kanya at hinila na s'ya pabalik sa kung nasaan sila Jops. Hanggang ngayon, nandito pa rin ako sa buhay n'ya. Kaibigan pa rin n'ya ako at hindi s'ya tuluyang nawala sa akin. Kaya alam ko na tama yung pinili ko. Tama na hinayaan ko na lang na maging hanggang magkaibigan lang kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD