KINAKAIN man ng guilt ay sinamantala pa rin ni Summer ang natitirang araw na makakasama niya si Mark Anthony at maramdaman ang pagmamahal nito kahit pagpapanggap lang. “Ano ang gusto mong kumain?” masuyong tanong nito habang kumakain sila ng hapunan. Nagulat si Summer nang pag-uwi nila ay nalaman niya na nagluto ito ng maraming pagkain sa tulong ni Manang Tasya. “Teka. Ano bang meron at ang daming pagkain? Hindi pa naman siguro fiesta dito, ‘di ba?” pabiro niyang tanong. “Wala lang. Naisip ko lang na baka nami-miss mo na ang masasarap na pagkain kaya umuwi ka kina Tita Aurora kaya nagluto ako.” Napangiti si Summer. “Na-miss ko nga ang mga luto ni Tita Aurora pero masasarap din naman ang luto ni Manang Tasya, ah.” “Iba pa rin kapag luto ko. Mas napapasaya kita.” Inabot niya ang pisn