SUOT ang puting traje de boda ay kabado na nag-martsa si Summer sa aisle ng simbahan. Hangga’t maaari ay ayaw niyang tumingin sa lahat ng bisitang dumalo, sa takot na baka may makakilala sa kaniya. Hindi rin niya kayang tumingin sa mga ito, lalo na sa kanilang pamilya dahil sa konsensiyang naramdaman. Gayon man ay pinilit pa rin ng dalaga na ngumiti. It’s her twin sister’s special day, and Summer wished to make it remarkable. Sa likod ng pilit na ngiting iyon ay totoong kaligayahan na nadarama ng kaniyang puso habang nakatuon ang mga mata sa lalaking nakatayo sa dulo ng aisle, sa tabi ng best friend nitong Kurt. Napaka-regal nito sa suot na itim na tuxedo. Wala mang mababakas na ano mang emosyon sa mga mata nito ngunit ito na yata ang pinakaguwapong groom. Ganito na sana sila four years