NANUOT sa ilong ni Summer ang masarap na amoy mula sa kusina habang pababa siya ng hagdan. Alam na niya na agad kung ano iyon kaya napangiti siya. "Mom, wait! Alalayan ko po kayo sa pagbaba at baka nadulas kayo." Lumapad ang pagkakangiti niya nang habulin siya ng walong taong gulang na panganay na anak na si Bryan. Agad siya nitong hinawakan sa kamay at inalalayan. "Be careful, mom. Medyo malaki na po ang tiyan n'yo,' dagdag pa nito at bakas ang pag-aalala sa boses. "Ang bait naman ng Kuya Bryan namin. Manang-mana sa daddy na super guwapo na, super gentleman pa." Aliw na aliw na pinisil ni Summer ang pisngi ng anak. "Huwag ka sanang magbago, ha? Lalo na sa mga kapatid mo at sa babaeng mamahalin mo balang araw." "Promise po, Mom. Hinding-hindi ko po pababayaan sina Winter at Autumn. P
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books