NANG masiguro ni Summer na mahimbing na ang tulog ni Mark Anthony, saka niya maingat na inalis ang braso nito na nakayakap sa kaniya. Medyo nahirapan pa nga siya na baklasin iyon dahil napakahigpit ng pagkakayapos nito na para bang alam na aalis siya kaya ayaw siyang pakawalan. Nang magtagumpay si Summer ay maingat din ang pagbaba niya ng kama at baka magising niya ito kapag umuga iyon kahit kaunti. Hindi na siya nag-abalang magbihis pa. Nagsuot lamang siya ng roba pagkalabas niya ng banyo. Nasa bahay ni Tita Aurora ang mahahalagang gamit niya kaya wala siyang kailangang iligpit. Lahat din ng damit na ginamit niya simula ng magpanggap siya ay pag-aari ni Rhaine. Wala na sana siyang balak na magpaalam kay Mark Anthony. Bukod sa takot siya na baka magising ito, lalo lang magiging masakit