“YOUR audacity is appalling, considering what you did to my son,” galit na salubong ni Monique kay Summer nang pagbalik niya mula sa batuhan ay nakaipon na siya ng sapat na lakas ng loob para dumaan sa resthouse ni Mark Anthony at humarap sa mga ito. Pero si Monique lang ang naabutan niya sa veranda at hindi niya alam kung nasaan ang dating nobyo. “Nakakita ka lang uli at sumikat na, kumapal na nang ganiyan ang pagmumukha mo.” Nasaktan si Summer sa mga narinig pero hindi niya iyon ininda. She’s reaping what she sowed. “Tita—” “It’s ‘ma’am’. Hindi kita pamangkin kaya huwag mo ako tawaging ‘tita’,” puno ng sarkasmo na putol agad ng ina ni Mark Anthony. “I-I’m sorry, ma’am.” Nahihiya na napayuko ang dalaga. Parang gusto nang tumulo ng mga luha niya ngunit pinipigilan lamang niya. She took