AFTER I heard their thoughts about it lalo na si Daddy ay tumatak na sa isip ko na maski talaga sila ay hindi papayag na sa katulad ni Axel ang magiging nobyo ko. "I told you I will just stay here," iritadong sabi ni Daddy. Nagkatinginan kami ni Mommy dahil iritable na si Daddy. We lied that we're going to attend to Mom's friend wedding sa hotel at sinabay na lang itong quick vacation. Ayaw pa sanang sumama kaya lang maiiwan kasi siya sa mansion kaya napilit sumama. Ang problema, ayaw niya magbihis para isasama namin kunwari sa reception. Kakutsaba pa namin ang kaibigan ni Mommy para dito. Naka-ready na ang nasa function room at unti-unti na ring nagdatingan ang mga bisita. "Ikaw nga lang mag-isa dito. Kaya ka nga sinama gusto mo rin pala dito lang sa kwarto. Huwag ka na ngang makulit,