NANATILI ako sa kwarto para humilata. Nakakatamad iyong ganito. Lalo na kapag iiwan ako ni Axel dahil may gagawin siya sa baba. Busy naman si Angela sa kaibigan niya at ayoko namang palagi ko siyang ididikit sa akin para lang may kasama ako. Bata pa rin siya at kailangan niya nang laro. Kung ganito ako sa mga susunod na araw baka tubuan ako ng ugat sa katawan. Nalulungkot at hindi ko maiwasang mag-isip na naman kapag ako lang mag-isa. Kaya minabuti kong sa balcony. Nakaupo lang ako sa wheelchair habang nakatingin sa dagat. Mas malakas ang hangin sa labas. Kumakalma ako sa panunuod lang ng alon na humahampas sa dalampasigan. "Are you okay?" Nilingon ko si Axel na kapapasok lang at may bitbit na meryenda. "I'm getting bored. Nagpapahangin lang sa labas." Nilapag niya 'yong croissant and