NAITIKOM ko agad ang bibig. Masyadong naparami ang sinabi ko pero iyon talaga ang nasa isip ko noong nakaraang araw pa. Lumapit siya ng kaunti at pinapanuod ng mabuti ang reaksyon ko. "Do you think I'm flirting? With whom?" hamon niya pero nanatili akong tahimik. "I'm asking you, Sofia. How can you say that to me if you don't have any basis? Sino 'yong tinutukoy mo na nilalandi ko?" Lalo akong hindi makapagsalita. Napalunok ako. Nakita kong napaiwas ng tingin si Axel at huminga ng malalim. "Now that I'm talking to you, hindi ka na makapagsalita." I blinked twice. "Stop making me such a fool. Tinatanong mo pa ko eh alam mo naman kung sino," sabi ko sabay tingin kay Foo foo, "Iyong aso ko..." Sumulyap si Axel sa aso ko tapos sa akin. "Paliguan mo." Napamaang ako sa narinig. Nabastus