NAPAAHON na ako sa kama ng tuluyan. "Hello, Sofia?" Nilayo ko ang cellphone at sumenyas kay Axel nang shh dahil nagtatanong na ito kung anong nangyayari kahit walang boses. Bumalik sa higa si Axel nang binalikan ko si Mommy. "Maybe you want to get up and open the door, huh? Masakit na ang binti ko," reklamo niya at inis na talaga ang tono. Nagmamadali akong pumasok sa banyo para kausapin siya sa cellphone. "Mom, I'm not in my house right now," I whispered and bit my lip. "You what? And where are you?" "Nasa condo ako. Hindi na ko umuwi sa Batangas noong Friday pa. Mamaya pa ko babiyahe pauwi. You didn't tell me you'll visit, hindi ka na sana pumunta. I'm sorry." Hinagod ng palad ko ang aking ulo at nameywang habang nakatayo. "Oh my god. Wala pala akong binisita rito. Sayang ang o