GINAWA niya 'yon noon. Doon sa engineer kaya hindi ko rin nakita ang sincerity niya. Ngayon, pinatunayan niya ulit. Mas lalo lang akong naniwala na may problema din siya kaya naghiwalay sila ng dati niyang asawa. He isn't a victim. He faults too, and he doesn't want to admit it. Nakikita naman ng dalawang mata ko. Sumandal ako sa upuan habang nakapikit. Nakasuot pa ako ng dark aviators. Nagtatawanan sila Stacy sa tabi ko. "It's really fun. You should try it too. Si George pumayag pero halos ayaw tumalon," sabi ni Megan at humagikgik. Pinag-uusapan nila 'yong tungkol sa Bungee jumping sa Malaysia. "Next time lahat tayo!" Cassy suggested. "Sama ka, ha?" siniko ako ni Stacy. Umungol lang ako dahil sa antok. Sumasama naman talaga ako. Kanya-kanya kaming hiwalay nang nasa airport na. Nag