PARA akong tinadyakan sa sikmura. Hindi ako nakasagot agad. Binuhay na nga ni Axel ang TV ay nakatulala pa rin ako. "Hello?! Maam?" I cleared my throat. "Yes? I'm sorry kauuwi lang kasi namin. Uh, hindi talaga makokontak itong numero ko kasi nag-ibang bansa kami. Yeah, one week." "Ay, ganoon ba? Kaya pala!" Natawa ito at biglang naging malumanay ang boses niya. "Pasensya na. Akala ko eh tinatakas mo na ang anak ko. Gusto ko lang naman makausap. Panigurado pagod kayo. Siguro bukas na lang. Sagutin mo tawag ko, ha?" Huminga ako ng malalim. I don't want to stress myself out because of Angela's Mom. Hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita niya at pagod pa ko ngayon. "I am not your employee to boss me around. Sa tagalog, hindi mo po ako empleyado para utusan mo ko. Kung gusto mong kaus