BUMABA ako after kong maligo at magbihis. Dinig ko na agad iyong boses ni Engineer sa sala. Pagtapak ko sa hagdan ay nag-angat na sila ng tingin sa akin. Tumikhim si Engineer habang hawak ang juice nito at alanganing ngumiti sa akin. I wonder if she will ask her about me? Hindi ba siya nagtataka kung bakit ako nandito? Kasi kung malalaman ko na may babae si Axel dito, hindi ko na makukuhang makipagtawanan sa kanya sa living area. "Where are you going?" Axel asked as I walked myself to the doorway. "Uuwi na. I need to eat and report to the office," sabi ko sa kanya. Hindi ako nakapasok ngayong umaga dahil sa kanya. Hindi ko siya inantay na sumagot. Nagdirediretso ako ng lakad at nagulat na sumunod siya sa akin para harangin ako sa paglabas. "Dito ka na kumain. Nagluto na ko 'di ba?" ma