I was silently observing him. He was really fond taking care of Oliver. Kita naman iyon sa kanyang tawa at mga mata. Lumapit si Misha na pawis na kaya inasikaso ko muna. Pero nahuhuli ko siyang nakatingin kay Axel at Oliver na tila ba may inggit sa mga mata. "Misha..." masuyo kong tawag habang iniipit ang buhok nito sa gilid ng kanyang tainga. Marahan niyang binalik ang tingin sa akin. Nginitian ko siya at inakbayan. "Axel..." tawag ko kay Axel na nilalaro pa rin si Oliver. Tumingin siya sa amin. "Why?" he asked with a smile on his lips. Tumikhim ako. Mukhang hindi niya na-ge-gets kahit na nakatingin na si Misha sa kanya. Inilapit ko ang anak namin sa kanya. "Daddy..." tawag ni Misha kaya ang mga mata ni Axel ay napunta na sa kanya. "Yes, sweetie?" He smiled. Ibinalik niya kila Mega