NGITING-NGITI ako habang nagdidilig ng halaman. Nawiwili na ko sa pagtatanim at masaya ako sa tuwing tumutubo na ang mga bulaklak. "Wow, parang ikaw din ate ang diniligan. Ngiting-ngiti ka diyan?" puna ni Seth kaya na-spray-an ko siya ng tubig. Bumisita lang sa bahay para inisin ako. "Ano ba!" inis niyang sabi at napatalon pa para lang makaiwas sa akin. "Umuwi ka na nga. Wala kang mapapala sa 'kin." I rolled my eyes. Tumayo ako at pinatay na ang gripo. "I'll pay agad. Kapag dating ng sahod!" sabi niya. Hinarap ko siya at nakapameywang. "Alam mo kung sana lang hindi pambabae inaatupag mo may pera ka sana kaso ano ba 'yong mga babaeng nakukuha mo? Pineperahan ka tapos sa club nagtatrabaho! Magagalit talaga sila Daddy sa 'yo, noh!" I rolled my eyes at nilapag ang hose sa lupa. Nilagpa