DAHIL nakukutuban ako na gigising siya ng maaga ulit at hindi ko na naman maabutan. Nag-set ako ng alarm at gumising nang mas maaga. Iniisip ko talaga na gising na siya bandang pasado alas-singko pero tulog. Oo nga pala. Lasing siya. Maraming nainom kagabi at iyong damit niya ay ganoon pa rin. I sighed. Medyo masakit ang ulo ko dahil nakukulangan pa sa tulog pero pinili kong bumangon para asikasuhin siya. Tinamaan ako ng konsensya ko dahil sa mga sinabi nito noong nakaraang linggo. Aminado ako na umiyak ako bago matulog. Hindi dahil sa kay Angela pa rin kundi sa trato sa malamig na trato ni Axel sa akin. Tinabig niya nang dalawang beses ang kamay ko. Nasaktan ako doon. Nasanay ako na palagi niyang kinukuha ang kamay ko at hinahawakan ng mahigpit. Kagabi lang niya iyon tinabig. I know h