NAG-AAYOS ako ng ilang gamit nang marinig ang tili ni Angela. "Wow! Thank you, Lola!" Natigil ako sa pag alis nang mga damit sa maleta. Lahat sila nasa sala at nag-aayos din si Axel doon ng furnitures na pina-deliver niya at dumating na kanina. Sunday ngayon at kahapon nagpahinga lang kami kaya hindi pa naayos ang mga gamit. Nag-hire din si Axel nang tauhan niya na tutulong sa amin. Limang katulong ang kinuha niya sa agency para sa araw na ito. Nakisali din ako dahil maselan ako sa gamit ko. Ayoko nang hinahawakan ng iba pero no choice ako dahil sa dami ng bitbit namin. Kaya aside sa nakikisali ako eh tinitignan ko nang mabuti kung tama ba ang ginagawa nila. Saglit pa akong sumilip muna sa walk in closet. "Oh, gosh. Iyong light colors sabi ko dito sa side," sabi ko sabay turo sa righ