KABANATA 94: I am so energetic, and for me, everything is just magnificent. Ang OA kung i-describe porket umuwi lang si Axel noong nakaraang gabi. Mas makahulugan ang bawat paggising ko sa ngayon dahil nariyan siya. "Si Axel?" tanong ko kay Manang nang bumaba ako bandang hapon dahil katatapos ko lang mag-virtual meeting kasama na ang board of directors sa school. "Nasa beach kasama si Angela. Nagyaya ang anak mo dahil na-miss daw niyang gumawa ulit ng sand castle kasama si Sir Axel." Dire-diretso akong lumabas hanggang sa nakita ko nga silang malapit nang matapos ang castle na binubuo. Napangiti ako. Umihip ng malakas ang hangin dahilan para liparin iyong scrunchie ko. Sumaboy sa ere tuloy ang buhok ko. Binuhol ko muna ang tali ng silk robe ko bago ko sinikop ang aking buhok. Malamig k