WE ride on a yacht again to go back to the rest house. Iniwan na namin ang ibang gamit sa bahay at bumalik sa beach para maligo na. This time ay nakisali na ako sa kanila. "Go ahead and swim. Susunod kami," sabi ni Sandler. Pinauna na sila Megan at Cassy dahil inaantay pa namin si Stacy na nagbanyo pa. "Alright, antayin namin kayo do'n," sabi ni Jack at naglakad na sila papunta sa dagat. Pinanuod ko lang sila hanggang sa naging maliit na lang sila sa paningin ko. Narating nila iyong mahaba at malalaking batuhan. "Let's go?" yaya ni Stacy. Nauna silang mag-fiancee at sumunod kami ni Axel. "Are you okay? Nilalamig ka?" tanong ni Axel agad sa akin pag-abot ng tubig hanggang sa aking beywang. Umiling ako. I am wearing a shirt and cotton shorts. Samantalang sila ay naka two piece pa at w