FOR the very first time. Hindi ko iniwan si Angela sa tabi niya. Nakatulog 'yong bata sa bisig ko at nagpasya ako na tabihan na lang din at dito ako matutulog. Hinayaan ako ni Axel. Alam niya namang hindi niya ko mapipilit na umalis. Gusto ko lang maramdaman ni Angela na kahit papaano. Mahal ko siya. Talagang nahabag ako sa naabutan ko at sa sinabi niya kanina. Nakikita ko na nga 'yong sarili ko sa kanya. Hindi ba ganoon na rin ang sitwasyon ko ngayon? Tinalikuran na rin ako. Ang kaibahan lang naming dalawa ay malaki na ako. Hindi ko maiwasang hindi maluha. Akala ko okay na si Angela. Hindi pala. Ilang gabi kaya iyong umiiyak siyang mag-isa? Dahil nakakaramdam siya ng lungkot? Hindi lang niya sinasabi sa akin dahil alam niyang umiiyak din ako at maraming problema. Sa murang edad niya, n