HUMALUKIPKIP ako habang tinitignan isa-isa 'yong tutor na nag-a-apply para sana kay Angela. Four applicants. Three of them are women and one man. Sinulyapan ko si Axel na sa ibang direksyon nakatingin at tila ba naiilang siya ngayon sa sitwasyon. Masyadong stiff ang katawan sa aking tabi. "Who contacted them?" "S-Si Peter." Tumaas ang kilay ko. Iyong mga pinadala niya ay puro yata mag-a-apply bilang model hindi teacher. Iyong lalaki ang medyo nerd ang dating pero for me. Halos lahat ng kilala kong ganyan ay matalino. "Tristan Robert Gonzales?" "Yes, Maam!" Binalingan ko siya. Inayos nito ang eye glasses niya at tumango. He was wearing a white long sleeves and black pants. May kapayatan at matangkad naman. "You have an impressive resume. Kaya lang ang background mo sa job is that yo